Magkakasa ang International Criminal Court (ICC) ng imbestigasyon hinggil sa posibleng crimes against humanity sa Ukraine kasunod ng pagsalakay ng Russia.
Ayon kay ICC Prosecutor Karim Khan, mayroong makatwirang batayan para paniwalaan na ang mga krimen sa digmaan ay naganap sa panahon ng labanan.
Aniya, ang pagsisiyasat ay tututok sa mga sinasabing krimen na ginawa ng anumang partido na salungatan sa alinmang bahagi ng teritoryo ng Ukraine.
Paliwanag pa ni Khan, bagama’t ang Ukraine ay hindi miyembro ng ICC, iginawad naman nito ang hurisdiksyon sa korte.
Facebook Comments