ICC, kinumpirma ang panibagong reklamo laban kay Pangulong Duterte

 

Hawak na rin ng International Criminal Court o ICC sa The Hague Netherlands ang isa pang reklamo laban sa war on drugs ng Duterte Administration.

 

Sa isang liham mula sa ICC na may petsang April 04, 2019 kinumpirma nito na nakarating na sa kanilang Office of the Prosecutor ang inihaing reklamo ng National Union of People’s Lawyers o NUPL na may petsang August 28, 2018 na kumukwestyon sa war on drugs ng Duterte Administration.

 

Pirmado ang ICC letter ni Mark Dillon, Head ng Information and Evidence Unit mula sa Office of the Prosecutor.


 

Ayon sa ICC, mayroon nang isinasagawang preliminary examination sa naunang reklamo na inihain sa kanilang tanggapan kaugnay pa rin ng kampanya ng pamahalaan kontra droga.

Facebook Comments