ICC, nagbukas ng bagong portal para sa mga gustong magbigay ng impormasyon hinggil sa war on drugs

Binuksan ng International Criminal Court (ICC) ang isang portal sa kanilang website para sa mga nais magbahagi ng mga impormasyon na may kinalaman sa nakaraang war on drugs ng Duterte administration.

Ito ang inanunsyo ni Kristina Conti, ang ICC Assistant to Counsel, at isa sa mga aktibong tumutulong sa mga biktima ng Extra Judicial Killings (EJKs) sa Pilipinas ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Conti, sa pamamagitan ng bagong portal na ito, umaasa sila na makakukuha ng mga impormasyon hinggil sa naging hakbang kontra droga ng administrasyong Duterte.


Aniya, sinumang mayroong credible information ay maaaring magpadala sa nasabing portal at ito ay mananatiling confidential.

Ang mga magpapadala naman ay mananatiling confidential ang pagkakakilanlan pero agad na tatawagan ng prosecutor upang beripikahin ang mga isinumite na impormasyon.

Facebook Comments