Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, welcome sa ating bansa ang mga prosecutors ng International Criminal Court o ICC para magsagawa ng imbestigasyon ukol sa ipinatupad na war on drugs ng administrasyong Duterte.
Gayunpaman, nilinaw ni Guevarra na hindi obligado ang ating gobyerno na makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon.
Sinabi ito ni Guevarra sa pagdinig ng House Committee on Justice at Committee on Human Rights ukol sa tatlong resolusyon na humihikayat sa pamahalaan na makipagtulungan sa ICC kaugnay sa pagsisiyasat ukol sa war on drugs.
Sa pagdinig ay sinabi naman ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Fayda M. Dumarpa na handa silang makipag-ugnayan sa ICC kung kailangan.
Binanggit naman nina Prosecutor Hazel Decena Valdez ng Department of Justice gayudin si Department of Foreign Affairs Director Janice Sanchez Rivera at Philippine National Police Deputy Director PBGen. Rodolfo Castil Jr., ang kanilang aksyon ay nakadepende sa posisyon dito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.