Walang balak ang Pamahalaan na makipagtulungan sa International Criminal Court sakaling magpumilit ito na magimbestiga sa bansa kaugnay sa sinasabing Extra Judicial Killing at sinasabing Human Rights Violations sa bansa.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa ngayon ay wala pang pormal na kautusan mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na naguutos sa mga tanggapan ng Pamahalaan na huwag makipagtulungan sa ICC members sakaling makapasok ang mga ito sa bansa at magimbestiga.
Sinabi ni Panelo, depende na kay Pangulong Duterte kung maglalabas ito ng pormal na kautusan pero naniniwala naman si Panelo na hindi na kailangan pang utusan ng Pangulo ang mga tangapan ng Pamahalaan ukol dito.
Biingyang diin pa ni Panelo na hindi na unang una ay hindi din naman makakapasok sa bansa ang mga taga ICC kung ang pakay ng mga ito ay magimbestiga.
Matatandaan na sinabi ni ICC criminal prosecutor Fatour Bensouda na itutuloy pa rin nila ang initial investigation laban sa anila ay mga insidente ng extra judicial killings at paglabag sa karapatang pantao sa pilipinas.