Scandinavia – Hinahangaan ngayon ang isang composer at percussionist mula sa Scandinavia dahil sa kakaiba nitong talento sa pagtugtog ng mga musical instrument na gawa sa yelo.
Si Terje Isungset na 18 years nang kinikilala dahil sa paggamit nito ng mga ice instrument tulad ng ice horns, ice drums at ice xylophone kung saan talagang lalamigin ka sa ganda ng mga tugtog nito.
Kamakailan lang ay nag-perform si Isungset sa London’s Royal Festival at umani ito ng standing ovation sa mga manonood lalo na at ang mga instrumentong ginamit ay siya mismo ang gumawa.
Hindi naman tumatagal ang concert na ginagawa ni Isungset dahil magkakaroon ng damage ang mga musical instrument kapag nainitan.
Facebook Comments