Ice Seguerra, buntis daw?

Tinawanan lang ng transgender man na si Ice Seguerra sa tsismis na siya ay buntis.

Isang netizen kasi ang nag-tweet sa posibilidad na buntis ang singer.

Kalakip ng tweet ng netizen ang isang link papunta sa isang tila kahina-hinalang website, na naglathala ng tungkol kay Ice.


Sa halip na mainis, idinaan na lang sa biro ng singer-actor ang kanyang reaksiyon sa maling balita tungkol sa kanya.

Say ni Ice, “ayos! May excuse na daw siya kung bakit siya mataba.

Pati ang Kapuso actor-TV host na si Paolo Ballesteros, kapamilya singer na si Yeng Constantino at singer na si Armi Millare ay napa-like at comment sa post ni Ice.

Nabatid na pangarap ni Ice at ng misis niyang si Liza Diño ang bumuo ng pamilya.

Nito lang January 24, 2019, inumpisahan na nila ang proseso ng pagsailalim sa Invitro Fertilization o IVF.

Ang IVF ay assisted reproduction medical procedure, kung saan kumukuha ng egg cells mula sa ovary ng isang babae at saka ipagsasama ito sa sperm ng lalaki sa isang laboratory.

Facebook Comments