Ice Seguerra, papasukin na ang mundo ng directorial

Kasabay ng selebrasyon ng 34th years sa show business, isa na namang milestone ang tinatarget na pasukin ng singer na si Ice Seguerra.

Sa Instagram account nito, ibinahagi ni Ice ang masayang balita kung saan magsisimula na siya sa mundo ng directorial na ipinapakita sa larawan ng kaniyang bagong proyekto.

Sobrang blessed naman ang nararamdaman ni Ice at sinabing hindi siya makapaniwalang ginagawa niya na ang isang bagay na hindi niya pinangarap at inakalang magpapasaya sa kaniya ng sobra.


Unang nagsimula sa showbiz si Ice bilang contestant ng “Little Miss Philippines” ng isang sikat na noontime show kung saan naganap ito mula 1987 hanggang 1997.

Maliban sa pag-arte, namayagpag din si Ice sa mundo ng pag-awit kung saan ilan sa kaniyang albums ay ang; Pagdating ng Panahon, Pinakamamahal, Sabi ng Kanta, Pakisabi na lang, Para lang sa’yo, Anong Nangyari sa ating Dalawa.

Facebook Comments