Sumampa na sa 274,924 ang child laborers sa bansa.
Ito ang nakalap na datos ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakakalungkot man pero kailangan nilang dumoble-kayod para mapigilan ang sitwasyon.
Bukod dito, halos 340,000 na menor de edad kasama ang kanilang pamilya ang natulungan ng ahensya sa ilalim ng pagpapatupad ng child labor prevention and elimination program.
Nasa 293,318 ang nabigyan ng assistance habang higit 47,000 ang inalis mula sa child labor.
Sinabi ni Bello, na bahagi ng kanilang kampanya na protektahan ang mga vulnerable workers at paigtingin ang mga hakbang para malabanan ang mga malalang uri ng child labor.
Facebook Comments