
Inanunsyo ni Public Works Sec. Vince Dizon na may linaw na ang isinusulong ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at ng Technical Working Group (TWG) na pagbawi sa mga naka-freeze na assets mula sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Dizon, kabilang dito ang mahigit 10-billion pesos na naka-freeze na assets.
Aniya, ito ay pauna pa lamang at base pa lamang ito sa tatlong complaints na naihain sa Ombudsman.
Ngayong araw na ito ay muling humarap sa ICI ang mga ahensyang kasapi ng Technical Working Group para magbigay ng update sa kani-kanilang papel sa asset recovery efforts.
Facebook Comments









