ICI, binigyan ni Cong. Sandro Marcos ng full authority na ilabas ang video ng kanyang testimonya sa Komisyon

Binigyan ni Presidential Son Cong. Sandro Marcos ng full authority ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ilabas sa publiko ang video ng kanyang testimonya sa pagharap nito kanina sa Komisyon.

Sa ambush interview sa ICI, sinabi ng batang Marcos na ito ay kung sa tingin ng Komisyon hindi malalagay sa alanganin ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Kinumpirma rin ni Rep. Marcos na natalakay din sa pagdinig ng ICI ang hinggil sa mga pasabog ni dating Cong. Zaldy Co.

Kabilang dito ang sinasabing utos ng presidential son na halos ₱51 billion na halaga ng insertions sa national budgets para sa taong 2023 hanggang 2025.

Nanindigan naman ang batang Marcos na wala siyang tinatago.

Facebook Comments