ICI, blangko pa kung kailan sisimulan ang live streaming ng mga pagdinig ng komisyon

Hindi pa masabi ng Independent Commission for Infrastructure kung kailan sisimulan ang live streaming ng kanilang mga pagdinig sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, tinatapos pa ng Komisyon ang draft ng guidelines sa live streaming.

Samantala, tiniyak din ni Hosaka na pag-aaralan ng ICI ang isinumiteng supplementary affidavit kahapon ni dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo para madetermina kung may mga ipapatawag pa silang mga personalidad.

Kahapon, muling nabigo si Bernardo na humarap sa ICI at sa halip ay nagsumite ito ng supplementary affidavit.

Facebook Comments