ICI, bubuo ng mga panuntunan sa pagla-livestream ng kanilang pagdinig sa maanomalyang flood control projects

Tiniyak ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na bubuo sila ng draft para sa rules of procedure at parameters sa gagawing live streaming ng ICI sa kanilang pagdinig sa maanomalyang flood control projects.

Sa statement ni ICI Chairperson Andres Reyes Jr. na binasa ni Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, nakasaad na layon ng panuntunan na maprotektahan ang mga sensitibong impormasyon at ang Constitutional rights ng mga imbitadong resource persons.

Tiniyak din ni Hosaka na pag-aaralan nila sa rules kung magkakaroon ng access ang media sa record ng mga nakalipas na pagdinig.

Nilinaw din ng ICI na nagpasya ang Komisyon na i-live stream ang pagdinig sa eskandalo dahil na rin sa kahilingan ng taongbayan para sa transparency ng imbestigasyon.

Una nang inanunsyo ng ICI kahapon sa Senado ang desisyon nilang i-live stream ang mga pagdinig ng Komisyon.

Facebook Comments