ICI, bukas kung may maibibigay sa kanilang ebidensya at impormasyon si dating Sen. Antonio Trillanes IV

Bukas ang Independent Commission for Infrastructure (ICI), kung may maibabahaging impormasyon at ebidensya si dating Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, tulad ng paghikayat nila sa lahat bukas ang komisyon sa makapagbibigay ng impormasyon basta’t credible at may legal basis.

Pero pagtitiyak ni Hosaka na laging magiging maingat ang ICI sa pag-asses sa mga matatanggap na ebidensya.

Ang sagot na ito ni Hosaka ay kasunod na rin nang pagsasampa ng patong-patong na kaso ni Trillanes sa Ombudsman laban kina former President Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go maging ang ama at kapatid nito.

Kaugnay sa halos P7-B na infrastructure projects na iginawad sa CLTG at Alfrego Builders na pagmamay-ari ng ama at kapatid ni Sen. Bong Go noong nakaraang administrasyon.

Facebook Comments