ICI, bukas sa pag-imbestiga sa posibleng substandard na mga imprastraktura sa Cebu matapos ang malakas na lindol

Bukas ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa imbestigasyon sa posibleng substandard materials na ginamit sa ilang imprastraktura sa Cebu.

Kasunod ito ng nangyaring malakas na lindol sa lalawigan kung saan may ilang nananawagan ng imbestigasyon sa pinaniniwalaang substandard na imprastraktura doon.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, bukas sila sa pagtanggap ng mga impormasyon hinggil sa substandard na mga proyekto sa Cebu.

Kabilang sa hinihinalang substandard na mga proyekto sa Cebu ay mga gusali, tulay at mga kalsada.

Facebook Comments