ICI, bukas sa pagtulong ni VP Sara Duterte sa kanilang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects

Bukas ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa sino mang nais magbigay ng ebidensya kaugnay ng kanilang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects, maging si Vice President Sara Duterte.

Tugon ito ni ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka sa pahayag ni VP Sara na walang saysay ang imbestigayon ng Komisyon dahil malinaw na patungo ito sa pagtatakip sa mga tunay na nakinabang sa katiwalian.

Iginiit din ni Hosaka na walang sasantuhin ang ICI sa kanilang imbestigasyon sino man ang tamaan ng hangarin nilang mapanagot sa batas at maibalik ang pera ng taongbayan.

Facebook Comments