
Kinumpirma ni Independent Commission for Infrastructure Executive Director Atty. Brian Hosaka na pinal na ang desisyon ng ICI commissioners na hindi nila ila-livestream ang kanilang hearings sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Iginiit naman Hosaka na makakatiyak pa rin ng transparency sa pagdinig ang publiko lalo na regular naman silang nagbibigay ng update sa media.
Hindi rin aniya nila pinagbabawalan na magpa-interview sa media ang mga abogado ng kanilang resource persons kaya makakakuha pa rin ng update ang publiko.
Bukas, araw ng Martes ay muling itutuloy ng ICI ang pagdinig at ang pagtanggap ng mga ebidensya mula sa kanilang resource persons.
Facebook Comments









