
Nagbabala ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na dudulog sila sa korte sakaling mabigong dumalo sa hearing ng ICI bukas si dating Cong. Zaldy Co.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, pinag-aaralan na nila ang pagdulog sa korte para sa contempt order at posibleng warrant of arrest laban kay Co.
Alas dies ng umaga bukas pinadadalo ng ICI si Co, gayundin si ex-Speaker Martin Romualdez.
Kabilang sa nais malinawan ng Komisyon kay Co ang hinggil sa kanyang nalalaman nang maging bahagi ito ng Committee on Appropriations, sa isyu ng National Budget insertions, gayundin ang pagkakasangkot nito sa DPWH flood control projects.
Inaatasan din ng ICI si Co na magdala ng mga dokumento kabilang na ang kopya ng kontrata, , records, at reports ng government projects, project proposals, feasibility studies, at master plans ng flood control projects na pinasok ng korporasyon na pag-aari ng kanyang pamilya.
Hinihingian din si Co ng ICI ng kopya ng Certificate of Business Registration;Latest Income Tax Return; lisensya mula sa Philippine Contractors Accreditation Board at iba pang mga dokumento.









