ICI, dumepensa sa batikos ng publiko sa mabagal umanong asset recovery efforts ng komisyon

Aminado si Independent Commission for Infrastructure (ICI) Commissioner Rogelio Singson na batid ng komisyon ang hinaing ng mamamayan na ipinahayag sa ginanap na Trillion Peso March.

Gayunman, iginiit ni Singson na kailangan ng sapat na panahon upang ayusin ang mga mekanismo kung paano tutugunan ang non-legal aspects na maaaring isagawa ng bawat ahensiya ng pamahalaan na kabilang sa technical working group.

Kaugnay nito, sinimulan na ngayong araw ng Bureau of Customs ang public viewing sa apat na luxury vehicles na pagmamay-ari ng mga Discaya.
Magpapatuloy ang public viewing hanggang bukas, December 3.

Kasabay nito ang inaasahang pagsusumite ng mga documentary requirements ng mga interesadong buyers.

Facebook Comments