ICI, dumepensa sa pawang pagsasailalim sa executive session sa mga mambabatas na humaharap sa padinig

Dumepensa ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa sunud-sunod na pagsasailalim sa executive session sa mga kongresistang humaharap sa pagdinig.

Ito ay sa halip na sa livestreaming kaugnay ng kanilang pagkakadawit sa eskandala sa flood control projects.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, lahat naman ng kadahilanan ng kanilang resource persons ay pasok sa kanilang guidelines para sa executive session.

Kabilang aniya rito ang seguridad ng pamilya at ang nilalaman ng impormasyon na kanilang isisiwalat.

Ngayong araw na ito , kabilang sa mga humarap sa executive session sina Quezon City Representatives Ma. Victoria “Marivic” Co-Pilar at Patrick Michael “PM” Vargas.

Facebook Comments