
Iginiit ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na hindi sila nagpapaapekto sa mga ingay sa politika.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, tanging ingay lang ng publiko na humihingi ng hustisya ang kanilang pinakikinggan.
Aniya, mas malakas ang panawagan ng publiko kung kaya mas nangigigil ang komisyon para mas pagbutihin ang kanilang trabaho at maibigay ang hinihingi ng taumbayan.
Idiniin niyang mandato ng komisyon na panagutin ang mga responsable sa flood control anomaly at ibalik ang ninakaw na pera ng taumbayan.
Ginawa ni Hosaka ang pahayag matapos kwestyunin ni Senador Rodante Marcoleta ang pagiging “independent” ng komisyon.
Una nang sinabi ng komisyon, na kailangan nila ng tulong at mga source gaya ng Senado, DPWH at Commission on Audit pero hindi aniya ibig sabihin, hindi na independent ang ICI.









