ICI, humingi ng pang-unawa sa publiko matapos ang panawagan ng mga raliyista na pabilisin ang imbestigasyon sa flood control anomaly at isapubliko ang pagdinig

“Pang-unawa at huwag mainip”.

Ito ang iginiit ng Independent Commision for Infrastructure (ICI) matapos ang ikinasang kilos protesta kahapon kasabay ng Bonifacio day.

Ayon sa ICI, naririnig nila ang sintemyento ng taumbayan na gusto na agad na may managot at makulong sa lalong madaling panahon.

Nag-monitor kasi ang komisyon sa isinagawang programa sa “Baha sa Luneta” sa Maynila at Trillion Peso Rally sa Quezon City hinggil naman sa hiling na transparency at hindi executive session.

Panawagan kasi ng iba’t ibang grupo na nagsagawa ng protest-rally na magkaroon ng ngipin ang ICI at tumayo bilang “independent” at hindi maging sunod-sunuran lang sa administrasyon.

Matatandaang sinabi ng ICI na sisimulan na nila ang livestream ngayong linggo kung mayroong pumayag na resource person liban na lang kung humiling ng executive session.

Mayroon kasi umanong inaprubahan na guidelines ng livestreaming na binase sa konstitusyon at sa batas na pinasa at maging sa ruling ng korte suprema.

Facebook Comments