Monday, February 2, 2026

ICI, iginiit na nagpalabas sila ng subpoena laban kay dating Usec. Catalina Cabral

Pinabulaanan ng Independent Commission for Infrastructure ang pahayag ng kampo ni yumaong Department Of Public Works And Highways (DPWH) Usec. Maria Catalina Cabral na walang natanggap na imbitasyon mula sa ICI ang dating opisyal.

Partikular ang pahayag ni Atty. Mae Divinagracia na nais sanang dumalo sa pagdinig ng kanyang kliyente noong December 15 pero wala itong natanggap na subpoena.

Iginiit naman ni ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka na idinaan nila sa DPWH ang subpoena para kay Cabral.

Ayon kay Hosaka, ang subpoena na may petsang Dec 9, 2025 ay idinaan nila sa DPWH bilang bahagi ng procedure kung saan dating konektado si Cabral.

Inanunsyo rin aniya nila ito sa press conference noong Dec. 11, 2025 kung saan hiniling nila kay Usec. Cabral na dumalo sa hearing.

Facebook Comments