
Pinabulaanan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na may mga tauhan silang nanghihingi ng ₱100-M sa mga kongresista.
Ito ay kapalit ng pagtanggal ng kanilang pangalan sa interim report at case referral ng komisyon o sa mga inirerekomenda sa Office of the Ombudsman na kasuhan sa Sandiganbayan.
Ayon kay ICI Chairman Andres Reyes Jr., wala silang ideya kung sino ang mga indibidwal na nasa likod ng sinasabing pangingikil sa ilang kongresista.
Tiniyak naman ng ICI na maghahain sila ng mga panibagong rekomendasyon sa Ombudsman ng iba pang mga personalidad na sangkot sa mga katiwalian sa flood control projects.
Ito ay lalo na’t nakapaghain na ng kaso sa Sandiganbayan ang Ombudsman laban sa ilang dating DPWH officials at contractors.
Facebook Comments









