
Itinanggi ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang ulat na humingi ito ng tulong sa Task Force Kasanag International.
Ayon sa ICI, mananatiling independent ang imbestigasyon ng Komisyon sa maanomalyang flood control project.
Tiniyak rin ng ICI na hihilingin nila ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para mapanagot at masampahan ng kaukukang kaso ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng malisyosong impormasyon.
Umapela naman ang ICI sa publiko na ang paniwalaan lamang ay ang kanilang mga inilalabas na official statements.
Facebook Comments









