ICI, maghahain ng panibagong referrals sa Ombudsman laban sa iba pang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects

Maghahain ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng panibagong referrals sa Office of the Ombudsman laban sa iba pang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, hinihimay na ng Komisyon ang mga ebidensyang kanilang ihahain sa Ombudsman.

Tiniyak naman ni Hosaka na walang intensyong manghimasok ang Amerika sa imbestigasyon ng ICI matapos ang courtesy call sa Komisyon noong Biyernes ng kinatawan mula sa US Embassy.

Ito ay bagamat nag-usisa aniya hinggil sa takbo ng imbestigasyon ng Komisyon sa eskandalo sa flood control projects.

Samantala, wala pang listahan ang ICI ng mga personalidad na kanilang ipapatawag kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa eskandalo.

Facebook Comments