ICI, magsasagawa ng inspeksyon ngayong araw sa bagong dentention facility ng DILG sa Payatas, Quezon City

Magsasagawa ng ocular inspection ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa bagong tapos na detention facility ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon mamayang alas-1:00 ng hapon.

Ang naturang pasilidad ay para umano sa detensyon ng mga indibidwal na maaaring masampahan ng kaso kaugnay ng mga umano’y anomalya sa mga proyekto ng flood control.

Ayon sa ICI, ang inspeksyon ay bahagi ng mandato nitong tiyakin ang transparency at accountability sa pagpapatupad ng mga proyekto ng imprastruktura sa bansa.

Layunin umano nilang masiguro na ang lahat ng hakbang na isinasagawa ng mga ahensya ng gobyerno ay naaayon sa batas at sa mga pamantayan ng mabuting pamamahala.

Ang ICI ay isang komisyon na itinatag upang magsagawa ng imbestigasyon at matukoy ang mga nasa likod ng maanomalyang proyekto ng pamahalaan.

Matatandaang kahapon ay una nang nagtungo ang DILG sa pangunguna ni Interior Secretry Jonvic Remulla upang bisitahin naman ang pasilidad ng BJMP sa Pasay na siya ring detensyon ng mga opisyal na may salary grade 26 kung saan walang special treatment — bawal ang cellphone, laptop, at aircon sa loob ng kulungan.

Facebook Comments