ICI, magsasagawa ng inspeksyon sa flood control projects sa Ilocos Norte ngayong araw

Magsasagawa ng inspeksyon ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa limang flood control projects sa Vintar, Ilocos Norte, ngayong araw Nobyembre 13, 2025.

Pangungunahan ito ni ICI Special Adviser, Retired General Rodolfo Azurin Jr., sa koordinasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamumuno ni Undersecretary Arthur Bisnar.

Layunin ng aktibidad na masuri ang implementasyon at kalidad ng mga flood control projects sa lalawigan, bilang bahagi ng mas malawak na imbestigasyon ng ICI sa mga proyektong may kaugnayan sa disaster mitigation at public infrastructure.

Una nang sinabi ng ICI na magtutungo naman sila sa Cebu sa darating na linggo para makita kung bakit binaha ang probinsya nito gayong malaki ang pondo na inilaan ng pamahalaan para sa mga proyekto.

Facebook Comments