ICI, magtutungo sa Cebu para suriin kung bakit naging matindi ang pagbaha sa kabila ng P26-B pondo na inilaan para sa mga flood control projects

Isusunod na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na imbestigahan ang mga flood control project sa probinsya ng Cebu.

Kasunod ito ng malawakang pagbaha sa Central Cebu sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Tino.

Ayon kay ICI Special Adviser Rodolfo Azurin Jr., tututukan ng komisyon ang dahilan ng matinding pagbaha, lalo’t napakalaki ng pondong inilaan para sa mga flood control project sa lalawigan.

Batay sa inisyal na ulat, aabot umano sa P26-B ang nagastos sa mga proyekto sa Cebu.

Dahil dito, inatasan na ng ICI ang PNP-CIDG at National Bureau of Investigation (NBI) na i-secure ang lahat ng mahahalagang dokumento kaugnay ng naturang proyekto.

Sa ngayon, 421 flood control projects na ang natukoy ng ICI at Department of Public Works and Highways (DPWH, kung saan 80 proyekto ang itinuturing na prayoridad, batay na rin sa listahan ng mga kontraktor na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Facebook Comments