
Maituturing nang abolished o buwag na ang Independent People’s Commission o ICI na nagiimbestiga sa mga katiwalian ng flood control projects.
Ito ang reaksyon ni Senator Kiko Pangilinan sa gitna na rin ng pagbibitiw ng mga ICI Commissioners na sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson at Rossana Fajardo.
Sinabi ni Pangilinan na bagaman may mga mahahalagang rekomendasyon na ginawa ang ICI, maliwanag pa rin na hindi pa tapos ang mga gawain nito.
Sa kabilang banda ay katumbas na rin ng pagkabuwag ng ICI ang pagalis ng dalawang opisyal.
Dahil dito, naniniwala naman si Pangilinan na dapat nang madaliin ang pagpapasa sa Independent People’s Commission (IPC) na ipapalit sa ICI.
Sa pagbibitiw ni Fajardo, tanging si dating Supreme Court Justice Andres Reyes Jr. na Chairman ng komisyon ang matitira sa ICI.










