Wednesday, February 4, 2026

ICI, makabubuting magsumite ng plano kay PBBM —kongresista

Para kay House Infrastructure Committee Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, makabubuting sa pinaka-maagang panahon ay magsumite ang liderato ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng malinaw na plano kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.

Sinabi ito ni Ridon matapos pahayag ng Malacañang na nasa mismong pagpapasya ng ICI ang magiging kapalaran ng kanilang operasyon.

Iminungkahi ni Ridon na isama sa naturang plano ang muling pagbuo ng kumpletong bilang ng mga commissioner ng ICI.

Diin niya, mas magiging epektibo ang kontribusyon ng komisyon sa pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon sa flood control projects kung mas malaki at mas malawak ang bilang ng mga opisyal at tauhan nito.

Sa kasalukuyan, si retired Supreme Court Justice Andres Reyes na lamang ang natitirang commissioner ng ICI matapos magbitiw sina dating DPWH Secretary Rogelio Singson at Rosanna Fajardo.

Facebook Comments