
Nananatiling mataas ang moral ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Ito’y sa kabila ng pagdawit ni dating Cong. Zaldy Co kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na nagtatag ng komisyon.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, ginagawa pa rin nila ang lahat upang magampanan ang kanilang tungkulin na panagutin ang mga responsable at nasa likod sa anomalya sa mga proyekto sa flood control.
Tumanggi naman itong magbigay ng komento kung nabanggit sa mga nakalipas na pagdinig ng ICI si Pangulong Marcos kasunod nang isiniwalat ni Rep. Zaldy Co.
Aniya, hindi pa naman validated ang video statement nito at hindi rin magagamit na ebidensya hangga’t hindi pa napapanumpaan.
Matatandaang, patuloy na kinikwestyon ng publiko ang kredibilidad ng ICI, at tinawag itong ‘compromised institution’ dahil hindi maturing na independent ang komisyon sa pag-imbestiga sa mga korapsyon na nangyayari sa bansa.









