ICI, may buong kalayaang magdesisyon sa proseso ng flood control probe —Malacañang

Nanindigan ang Malacañang na hindi ito manghihimasok sa anumang paraan o proseso na ipatutupad ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa flood control probe.

Kasunod ito ng anunsyo ng ICI na sisimulan na nilang i-livestream ang mga pagdinig simula sa susunod na linggo.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, ang pagpapatupad ng ganitong hakbang ay bahagi ng kanilang mandato.

Nasa ICI aniya ang desisyon kung ano ang nais nilang gawin para ipakitang bukas at patas ng kanilang proseso.

Nauna na ring sinabi ng Palasyo na kuntento sila sa kasalukuyang takbo ng mga pagdinig sa ICI.

Facebook Comments