
Your message has been sent
Ayon kay ICI Special Adviser Rodolfo Azurin Jr., hindi nasunod ang master plan o mother plan para sa river basin management at flood control.
Sinisisi ni Azurin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa naturang kapalpakan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Cebu.
Kabilang sa binisita ng ICI ang flood control projects sa Talisay City, Compostela, at Cebu City; gayundin ang flood control structures sa Barangays Tabok at Alang-Alang sa Mandaue City.
Nabatid na ang master plan ay natapos sa taong 2017 sa pamumuno ni dating DPWH Secretary Babes Singson.
Una nang ibinunyag ni Cebu Province Governor Pam Baricuatro na may nakalaan na ₱26 billion para sa flood control projects sa Cebu.
Facebook Comments









