
Inilabas na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang kanilang guidelines sa pagsasagawa ng live streaming sa pagdinig sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, ang binuong panuntunan ng ICI ay naaayon sa 1987 Constitution.
Nilinaw din ni Hosaka na may mga pagkakataon na magsasagawa sila ng executive session,depende sa sitwasyon.
Ito ay lalo na aniya kung malalagay sa peligro ang seguridad ng kanilang resource person o malalagay sa alanganin ang pambansang seguridad.
Idinagdag ni Hosaka na maglalagay sila ng monitor sa media holding area sa ICI para sa mga mamamahayag na nagko-cover sa pagdinig.
Facebook Comments









