ICI, nakatutok ngayon sa case build-up at pagrerebyu ng mga ebidensya

Nakatutok ngayon ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa case build-up at sa pagsusuri ng mga ebidensya.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, patuloy rin ang pagtugon ng komisyon sa administrative matters.

Bukas, Martes, at sa Miyerkules, muling ipagpapatuloy ng ICI ang pagdinig sa maanomalyang flood control projects.

Kabilang sa inaasahang haharap ngayong linggo sa komisyon ang apat na resource persons.

Una nang kinumpirma ng ICI na kabilang sa kanilang inimbitahan sa pagdinig sina dating House Speaker Martin Romualdez, nagbitiw na Congressman Zaldy Co, at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary at ngayo’y Senador Mark Villar.

Facebook Comments