
Tiniyak ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na pag-aaralan nila ang posibleng pagpapatawag kay First Lady Liza Marcos.
Kasunod ito ng kahilingan ng nagpakilalang cultural and peace advocate na si John Santander, na imbestigahan din ng ICI ang aniya’y koneksyon sa unang ginang ng sinasabing bagman ni Senador Chiz Escudero na si Maynard Ngu.
Tiniyak din ni Hosaka na bukas ang komisyon sa pagtanggap ng katulad na letter of sentiment mula sa mga pribadong indibidwal bagama’t dadaan ito sa masusing pagbusisi ng ICI.
Samantala, wala pang linaw kung kailan ipapatawag ng ICI ang mga kongresista na nabanggit ni ex-Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kaniyang affidavit sa isyu ng budget insertions.
Facebook Comments









