
Hihingian ng Independent Commision for Infrastructure (ICI) ng “medical certificate” si dating DPWH Secretary Roberto Bernardo.
Ito’y matapos hindi na naman makakadalo ang nasabing opisyal sa scheduled hearing ngayong araw dahil sa kanyang karamdaman.
Ayon kay ICI Executive Director Brian Hosaka, hindi pa rin makakapunta si Bernardo ngayong araw dahil sa sakit o karamdaman nito.
Aniya, baka sa November 11 o 12 pa umano mai-schedule ang susunod na hearing sa nasabing resource person.
Ito na ang pang-ilang beses na hindi dumalo sa hearing sa ICI si Bernardo matapos na ipatawag ng komisyon noong October 15.
Facebook Comments









