ICI, pinangangambahang maghingalo at sumuko dahil sa hindi sapat na kapangyarihan

Ayaw ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na isiping patay na ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) matapos magbitiw ang isa nitong commissioner na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Rogelio Singson.

Gayunpaman, nangangamba si De Lima na sa mga susunod na linggo o buwan ay darating ang punto na maghihingalo at susuko ang ICI.

Ayon kay De Lima, kakaunti pa lang ang mga proyektong pang-imprastraktura at personalidad ang naisasailalim nito sa imbestigasyon at marami pa itong dapat siyasatin.

Subalit sabi ni De Lima, paano ito matutupad ng ICI kung nakaparami nitong limitasyon tulad ng hindi sapat na kapangyarihan, resources at mga tauhan.

Muli, iginiit ni De Lima ang pangangailangan na maisabatas ang paglikha ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) bill na mas makapangyarihan at may kakayahan kumpara sa ICI.

Facebook Comments