
Nirerespeto ng kampo ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang referral ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman noong November 21.
Ayon kay Atty. Ade Fajardo, ang nabanggit na referral ay binubuo ng sinumpaang salaysay ng kanyang kliyente na si Romualdez, completong transcripts at buong full audio-video recording ng boluntaryong pagharap nito sa ICI noong October 14.
Diin ni Fajardo, malinaw sa referral ng ICI na wala itong konklusyon na may kasalanan o guilt at liability sa panig ni Romualdez.
Binanggit ni Fajardo, bahagi ng mandato ng ICI na isumite sa Ombudsman ang lahat ng makukuha nitong mga ebidensya.
Diin ni Fajardo, tiwala sila na magiging patas, independent, malalim at objective ang gagawing pag-aaral ng Ombudsman sa mga ebidensyang isinumite ng ICI.









