ICI Special Adviser Rodolfo Azurin, pinabulaanan na siya ang susunod na aalis sa komisyon

Wala umanong katotohanan ang kumakalat na impormasyon na si ICI Special Adviser Rodolfo Azurin Jr. ang susunod na magre-resign sa komisyon.

Ito’y kasunod ng pagbibitiw ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio “Babes” Singson bilang ICI commissioner.

Ayon kay Gen. Rodolfo Azurin, fake news ang usap-usapang hindi maayos ang kanyang relasyon kay ICI Chairperson Andres Reyes Jr., na umano’y dahilan ng sinasabing pag-alis niya.

Giit niya, wala siyang nararanasang problema sa sinuman sa ICI, kaya malabong magbitiw siya.

Matatandaang pinalitan ni Azurin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos itong magbitiw sa puwesto.

Facebook Comments