
Tiwala ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na aabutin pa sila ng hanggang dalawang taon.
Ito’y para tapusin ang imbestigasyon sa mga umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.
Ayon kay ICI Chairman Andres Reyes Jr. patuloy na magtatrabaho ang Komisyon at gagawin ang kanilang mandato na imbestigahan ang maanomalyang infrastructure projects hanggang sa tuluyang ma-disolve ito.
Aniya, aabutin pa sila ng hanggang dalawang taon para tuluyang matapos ang imbestigasyon sa flood control anomaly.
Matatandaang sinabi ni Ombudsman Boying Remulla noong nakaraang linggo, na nasa isa hanggang dalawang buwan na lamang ang itatagal ng trabaho ng ICI bago mailipat sa Office of the Ombudsman ang lahat ng kanilang findings.
Samantala, wala naman umanong problema kung hindi sila tatagal dahil bubuuin naman ang isang bagong komisyon sakaling maipasa ang Independent People’s Commission.









