
Iginiit ni Atty. Brian Hosaka, Executive Director ng Independent Commission for Infrastructure na hindi duplication ang imbestigasyon ng ICI sa ginagawang pagsisiyasat ng Justice Department sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Hosaka, malaking bagay ang mga dokumentong binibigay sa ICI ng DOJ para mas mapabigat ang mga kasong kanilang isasampa laban sa mga sangkot sa katiwalian.
Bukas aniya ang komisyon sa pakikipagtulungan ng ano mang ahensya ng pamahalaan para mas marami silang makalap na mga ebidensya.
Nanindigan naman ang ICI sa transparent na imbestigasyon ng komisyon.
Facebook Comments









