ICI, tuloy ang trabaho hanggang bisperas ng Pasko

Tuloy ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure o ICI hanggang sa bisperas ng Pasko sa December 24.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, marami pa kasi silang mga dokumento na kailangang suriin may kaugnayan sa ghost flood control projects.

Sa tanong naman kung may aasahan pa bang ilalabas na rekomendasyon ang ICI para kasuhan ng tanggapan ng Ombudsman bago mag-Pasko.

Sinabi pa ni Hosaka na ang susunod na rekomendasyon na ihahain ng ICI sa Office of Ombudsman ay naka-depende sa kalalabasan ng mga nagpapatuloy pang case build up.

Samantala, itinakda naman ng ICI na huli nilang hearing para sa taong ito ang December 15 kung saan kanilang pinahaharap si dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral.

Una nang kinumpirma ni Hosaka na pinadalhan na ng komisyon ng subpoena si Cabral.

Facebook Comments