ICI, tuloy sa pagbawi ng ill-gotten assets sa kabila ng umano’y nakatakdang pagbuwag sa komisyon

Naninindigan ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pagpapatuloy ng pagbawi ng mga ill-gotten asset ng mga indibidwal na umano’y sangkot sa flood control anomaly, sa kabila ng mga ulat hinggil sa posibleng pagbuwag sa komisyon.

Ayon sa ICI, nagpapatuloy ang kanilang beripikasyon at agarang pag-aksyon sa mga impormasyong kanilang natatanggap kaugnay ng mga maanomalyang proyekto sa flood control at iba pang imprastruktura.

Hinihikayat din ng komisyon ang publiko na magsumite ng anumang impormasyon na makatutulong sa patuloy nitong imbestigasyon.

Samantala, nagpahayag ng suporta ang ICI sa Bureau of Customs (BOC) at iba pang ahensya ng pamahalaan kasunod ng pagsamsam sa ilang luxury vehicle na iniuugnay kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.

Sa ngayon, pansamantalang nakakordon ang mga nasabing sasakyan sa tanggapan ng komisyon habang inihahanda pa ng BOC ang paglilipat ng mga ito sa itinalagang pasilidad ng ahensya.

Facebook Comments