
Tumanggi ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na kumpirmahin ang pahayag ni Senador Imee Marcos na hanggang sa February 1 na lamang ang ICI.
Ito ay dahil idi-disband na aniya ang Komisyon matapos ang sunud-sunod na resignation ng ICI commissioners.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, wala pa silang natatanggap na abiso mula sa Malacañang hinggil dito.
Sa ngayon, si ICI Chair Andres Reyes na lamang at ilang miyembro ng Komisyon ang natitira sa binuong ICI.
Facebook Comments










