
Umaasa ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na mabibigyan ng posisyon sa iba pang ahensiya ng gobyerno ang kanilang mga empleyado kasunod ng pagtatapos ng operasyon ng ahensiya sa March 31.
Sinabi ng komisyon na naipakita naman ng mga empleyado ang pagiging professional at dedikasyon sa kanilang trabaho sa kabila ng mga limitasyon na inilatag sa ahensiya.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pakikipagpulong ng ICI sa mga partner agencies para maisaayos ang mga natitirang usapin.
Kabilang na rito ang ugnayan nila sa Technical Working Group (TWG) para sa asset recovery.
Una nang sinabi ng ahensiya na halos lahat ng kaugnay na dokumento ay naipasa na sa Office of the Ombudsman para sa imbestigasyon.
Facebook Comments










