ICI, walang balak ipatawag si PBBM sa kabila ng pagdawit sa kaniya sa budget insertions

Walang balak ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ipatawag si Pangulong Bongbong Marcos sa pagdinig ng Komisyon.

Sa kabila ito ng pasabog ni dating Cong. Zaldy Co na si PBBM daw ang nag-utos ng ₱100 billion insertions sa 2025 national budget.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, hindi kasi beripikado ang inilabas na video ni Co.

Kailangan din aniya nila ng sinumpaang salaysay ni Co para makumbinse ang Komisyon.

Kinumpirma rin ni Hosaka na wala silang nakikitang koneksyon ng expose’ ni Co sa mga ebidensya at testimonya na isinumite sa kanila ng mga ipinatawag nilang resource persons.

Idinagdag din ni Hosaka na wala pang desisyon ang ICI kung maaari bang mag-testify si Co via Zoom.

Facebook Comments