Aarangkada na nationwide ang Intensified Cleanliness Policy (ICP) na programa ni bagong Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na naglalayong itama ang maliliit na problema sa kapulisan.
Sa interview ng RMN Manila kay PNP-Internal Affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, natapos na nila ang pilot area sa Quezon City Police District (QCPD) ay kanila nang sisimulan ang implementasyon nito sa lahat ng istasyon ng pulis sa bansa.
Ayon kay Triambulo, sa ilalim ng programa, pinatitiyak ng bagong PNP chief na malinis sa sarili ng mga pulis at ang kalinisan sa kapaligiran sa lahat ng presinto, istasyon at opisina.
Kasabay nito, umapela naman ng opisyal ng tulong sa Local Government Units (LGUs) para sa pag-improve mga police station.