ICU bed occupancy rate sa NCR, malapit nang umabot sa critical level – OCTA

Sasampa na sa critival level ang bed occupancy para sa intensive care unit (ICU) sa Metro Manila.

Ayon sa OCTA Research Group, malapit nang umabot sa 70-percent ang nagagamit na ICU beds sa Metro Manila habang lumagpas na sa 60% para sa hospital ward beds.

Ang daily attack rate sa Metro Manila ay tumaas sa 25.9 kada 100,000 – kung saan itinuturing ang rehiyon bilang “high risk” area.


Bago ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) noong July 28 hanggang August 3, 2020 – ang daily attack rate lamang ay nasa 12.8 per 100,000.

Ang positivity rate sa Metro Manila ay tumaas sa 18%, batay sa average na 27,500 RT-PCR test kada araw.

Nasa 1.9 ang reproduction number sa NCR mula nitong March 23.

Umaasa ang OCTA Research na mapapababa ang kaso sa pagpapatupad ng GCQ bubble sa NCR at apat pang lalawigan.

Facebook Comments